Unethical Marketing

UNETHICAL MARKETER KA RIN BA?

Good day evryone..Naisipan kong gawin ang blog na ‘to dahil may nagtanong sakin,”Paano po ba magmarket ng tama sa Internet? Gusto ko po kasi talagang imarket yung products ko”

Napnsin ko lang din,Maraming Internet Marketers ang basta na lang makapitch ng advertisements kung saan-saan.
Pero effective nga ba ang ganitong klase ng Facebook marketing?

I must admit na dati ay may ginagawa din akong mga bagay na unethical (hindi naman lahat),lalo na nung bago pa lang ako sa industry ng Facebook Marketing,dahil wala naming nagturo sakin kung paano nga ba magmarket ng tama sa Internet.Basta ang sabi ng upline ko at ng mga nakausap ko gumawa lang daw ako ng fanpage,i-tag ko lang daw lahat yung mga friends ko,magshare sa wall ko at wall ng mga friends ko at mag spamming. Ang result? Facebook Jail!

Lately ko lang din narealize na may ilang  mali sa mga ginagawa ko dati,at marami din akong nakikitang gumagawa nito ngayon.

I’m very thankful na natutunan ko ang tamang mga strategies sa pagmamarket ng kahit anong business opportunity sa Internet sa tulong ng mga Successful at tamang tao na nakilala ko.
Eto yung Ilan sa Unethical marketing  na nakikita kong ginagawa ng karamihan..

UNETHICAL MARKETING #1Nakikisabit sa Sponsored Ads 




Para sa kaalaman ng lahat,ang Sponsored ads particularly sa Facebook ay may bayad.Nagbabayad po ang advertisers ng minimum 40 pesos pataas para iposisyon ang kanilang offer sa harap ng libu-libong tao sa Internet,) kaya may nakikita tayong mga Sponsored ads. Ito naming si Facebook marketer,doon pa magpopost ng kanilang advertisement sa comment box.Guys this is very annoying sa part ng advertiser na nagbabayad.




Can you imagine nagbabayad sya ng 40 pesos,50,100,200 UP TO 1K per day tapos nakikisabit ka? 
May pinupromote sya tapos sasapawan mo yung ad nya? Haleeerr..
Nagbabayad sya tapos aagawan mo sya ng client? 
Try mo din kaya mag sponsored ads para malaman mo kung anong ibig sabihin nitong sinasabi ko.

   UNETHICAL MARKETING #2 -  Sinisiraan ang iba para lang umangat sila 

 In my experience sa ganitong business,Lahat ng nakausap ko ay nagsasabing  “Maganda sa company namin,maganda ang compensation plan,maganda ang products”  etc.. etc..
Para sa 'kin lahat naman ng opportunity at company ay maganda.
May products bang hindi maganda, Wala naman db?
May pangit bang compensation plan? Syempre walang magsasabi na pangit ang compensation plan nila.
May pangit din bang company? Wala din..

Para sa 'kin lahat sila ay maganda kapag nadeliver at naexplain mo ng tama.
At lahat sila ay maganda kung nagpapasweldo ng tama.
Kahit anong company pa yan,kahit anong products pa yan o kahit anong klaseng compensation plan pa meron yan,dapat natin silang irespeto.
Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang "Respect" puntahan mo lang si kaibigang google. 

Wag na wag mong sasabihin sa kausap mo na “Ay,wala yan! Lang wenta yang products mo.Mas mganda yung products ko jan! Kasi yung products ko araw-araw ginagamit,kasi yung products ko hard products,yung sayo digital.Scam yan!

Syempre sasagutin ka ng kausap mo ng ganito: 
Weeh,di nga?? Ibig mong sabihin pag digital ang products Scam agad?
Ibig mo bang sabihin,si Amazon,at si ebay.com na nagbebenta ng digital products ay scam din?

Kung magkaharap lang kayo ng kausap mo baka binigwasan ka na nun.
Baka sabihin pa nya sayo “Tumahimik ka nga,pupulbusin kita eh” hahaha!

Guys,this is very annoying.
Sabi ko nga,RESPECT  EVERYONE’S DIFFERENCES.

Audience na lang ang bahalang humatol kung alin yung sa tingin nila ay da BEST para sa needs nila,at FIT sa schedule nila kung sasali sila sa isang opportunity.

UNETHICAL MARKETING #3 - Inadd ka as a friend,tapos biglang nagpost ng ads sa chat box mo. 





Guys,ingat sa pagpopost ng ads sa chat box lalo na kung ang pinost mo ay may kasamang website address,dahil pag biglang naasar sayo yung minessage mo at nireport yung message mo,yari ka! 

Siguradong block ka ni Pareng Mark Zuckerberg from sending messages.
Yan ang tinatawag na Facebook jail. Ang result? D ka makakapagpost ng opportunity mo..nganga ka! Paktay ang negosyo mo.

Tandaan,hindi basta basta sasali sayo o sa opportunity mo ang isang tao kung hindi ka nya lubos na kilala o ngayon ka lang nya naencounter.
”People don’t join your business,they join you”

Gawin nating halimbawa ang isang lalaki at isang babae.
Kung ikaw ay isang lalaki at nakakita ka ng isang magandang babae,pwede mo bang sabihin kaagad sa kanya na “Miss,gusto kitang maging girlfriend,pwede bang tayo na? ASAP!”

Malamang sasabihin sayo ng babae “Are you alright of saying that?’ 
o kaya naman “Ano? ok lang matino ka ba,baka lasing ka lang? 
O kaya naman “kumain ka na ba baka gutom lang yan”  hehehe..

Why don’t you build trust and rapport first? 
Pag nahuli mo na ang loob ng isang tao at pag may tiwala na sya sayo, mapapasagot mo na sya.Kagaya din sa business,magagawa mo s'yang mapasali sa kahit anong opportunity na inooffer mo kung may tiwala sya sayo.

Gawin nating halimbawa yung isang company na putok na putok ngayon sa internet,international company ito at may branches sa ibat-ibang panig ng mundo.Sa dinami-dami ng tao na nag invite sakin para mapasali ako,siguro nasa 50+ na tao, wala akong tinanguan kahit isa sa kanila dahil wala naman talaga akong balak na sumali.Pero nung kinausap ako nung isang partner ko sa kabilang company,aba biglang napapayag ang lola! Ano kayang meron? 
Ang sikreto,may tiwala ako dun sa tao at kahit isang beses ko lang sya nakaharap at nakausap ng personal eh katiwa-tiwala naman talaga sya! 

Yun ang sikreto na dapat ay meron tayong mga Internet marketers.
Hulihin muna natin ang loob ng isang tao,kelangan alam natin kung paano natin sya matutulungan sa mga needs nya.Wag mong iparamdam sa kanya na kaya mo lang sya gustong mapasali ay dahil gusto mo s’yang pagkakitaan.

Ang isang taong may pangit na experience sa networking o sa pyramiding,ay walang tiwala sa mga taong nag iinvite ng kung anu-anong opportunity. Maaaring iniisip ng taong yan na meron kang maitim na balak sa kanya kahit wala naman talaga.

UNETHICAL MARKETING #4 - Hindi nagbabasa ng notification 

Sa totoo lang,marami akong naencounter na ganito.Nakipost ng offer nila sa timeline ko,o sa timeline ng kung sino at pagkatapos ay pinabayaan na.
Hindi na nila namalayan na may nag-inquire pala. 
Akala tuloy ng mga friends ko ay ako ang nagpost  dahil nakapost sa wall ko.
At dahil nakapost sa timeline ko,ako ang tatanungin. 
Utang na loob,be responsible sa mga bagay na pinopost nyo kung saan-saan.Hindi po kami responsable sa pagsagot ng mga inquiries nyo dahil wala kaming alam sa mga inooffer nyo.

UNETHICAL MARKETING #5 - Hindi marunong makisama 

 Sa internet marketing,hindi ka magiging successful kung hindi ka marunong makisama.Isang halimbawa,gumawa ka ng fanpage at kelangan mo ng maraming likes dahil kelangan mo ng mas mataas na exposure para sa opportunity na inooffer mo.Syempre hihingi ka ng tulong sa mga kapwa mo marketers.Pag may nagpapa like ng fanpage nila,try mo din namang pagbigyan sila para makatulong ka,wala namang bayad yun at hindi mo sila kelangan singilin dahil binigyan mo sila ng isang like.Hindi pwedeng sila lang ang magbibigay at ikaw ay taga tanggap lang.Darating din yung time na ikaw naman ang mangangailangan sa kanila.Always remember this..


UNETHICAL MARKETING #6 - Spamming sa mga groups 

Bago ka magpost sa mga groups isipin mo munang mabuti kung sino ang target market mo. 
Networker ba at business owners?
O yung mga walang experience sa Internet marketing?

Kung iisipin mong mabuti,ang facebooks groups ay ginawa ng mga advertisers at networkers na may kanya-kanyang offer. Halos 90% members ng facebook group ay mga networkers din at hindi sila tumatambay doon ng matagal.

Ang technique na 'to ay tinatawag na “The battle of the fittest” (tagisan ng magagaling dahil tingin nila sa sarili nila ay pinaka maganda ang offer nila kesa sa iba. ) at ito ay waste of time.Bakit?

Kung ang product mo ay makakatulong sa mga networkers at business owners na hindi gaanong kumikita sa kanilang business,there are chances na magbenefit ka ng histo sa ganitong strategy.

Pero kung ang target mo ay cold market,ibig sabihin yung mga wala pang experience sa Internet Marketing,at kung ang offer mo ay business opportunity,napakababa ng chances na mapansin ang post mo dahil ang laman ng Facebook groups ay mga networkers at internet marketers din na may kanya-kanyang offer.

Ang isa pang risk kapag nag spamming ka sa mga groups,ay pwedeng masuspended ang account mo.As usual,Facebook jail ka na naman!

At pwede ring masuspended ang website ng company na pinupromote mo kapag yung pinost mo ay nireport ng "spamming".

UNETHICAL MARKETING #7 - Nagpopost ng ads sa Fanpage ng may Fanpage 

Guys,this is very annoying.
Bakit kelangan mong magpost  ng offer mo sa fanpage ng iba? 
Wala ka bang sariling Fanpage?
Hindi mo ba nakita na ang nakapost sa Fanpage ay related sa business opportunity na inooffer nila? 
Ask yourself,kung ikaw ang me ari ng Fanpage at sila ang magpopost ng offer nila,what do you feel? 
Can you imagine na naopen mo yung Fanpage ni Angel Locsin,tapos nagpost ka doon ng unrelated topic na “Sino po dito gustong magpart time? 
Sa tingin mo matutuwa kaya sayo si Angel Locsin? 
Maraming mga advertising websites ang nag ooffer ng libreng posting ng advertisements. Isa na dito ang juantambayan.com,mybenta.com,google posts,olx.ph,etc..

Pwede kang mag message sa comment box kung gusto mong malaman yung mga Free advertising websites na nag ooffer ng unlimited at  libreng postings.

Ngayong nabasa mo ang lahat ng ito,ask yourself.
Are you doing Unethical marketing,too?
Maybe naitanong mo din sa sarili mo,paano nga ba magmarket ng tama sa Internet? Tuturuan kita kung paano,click mo lang tong link na to:



Thank you for reading Guys..I hope may natutunan kayo sa post na to.Please feel free to share this post sa mga taong sa tingin nyo ay matutulungan nito.